Ipinatawag kahapon, Miyerkules, ika-29 ng Enero 2020, sa Beijing, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, ang pulong ng sentral na namumunong grupo hinggil sa gawain laban sa epidemiya ng novel coronavirus.
Ayon sa pulong, sa kasalukuyan, kumakalat ang epidemiya, at lumalaki ang bilang ng mga kumpirmado at pinaghihinalaang kaso. Dapat isagawa ang mga mas siyentipiko at mas mabisang hakbangin, bilang tugon sa kalagayang ito.
Iniharap din sa pulong ang mga kahilingang gaya ng buong lakas na pagbibigay-lunas sa mga may-sakit, pagsasapubliko ng mga impormasyon hinggil sa epidemiya batay sa napapanahon, bukas, at maliwanag na paraan, pagpapabilis ng pagdedebelop ng bakuna laban sa novel coronavirus, paggarantiya sa suplay ng mga kagamitang medikal at ibang mga kinakailangang materyal, at iba pa.
Salin: Frank