Kasalukuyang isinasagawa ng mga bansang tulad ng Italya, Timog Korea, at Iran ang mga hakbanging kinabibilangan ng pagkuwarentina sa mga apektadong lugar ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pagsuspinde sa klase ng mga paaralan, at pagpapatigil ng pagtitipun-tipon ng mga tao, upang mapigilan ang pagkalat ng kalagayang epidemiko. Ang mga hakbang na ito ay napatunayan na ng Tsina na mabisa laban sa COVID-19.
Samantala, tinukoy kamakailan ni Bruce Aylward, puno ng grupo ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) sa Tsina, at mataas na sugo ng Direktor-Heneral ng WHO, na ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko ay nakakapagbigay ng pamantayan sa buong daigdig. Puwedeng pag-aralan ng mga iba pang bansa ang karanasang Tsino sa usaping ito, dagdag niya.
Salin: Lito