Ayon sa datos na isinapubliko ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), dahil sa pagkalat ng kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), mahigit 290 milyong estudyante sa buong daigdig ang apektado dahil sa pagsusupendi ng mga klase sa paaralan. Ito ay walang-katulad na kaganapan sa kasaysayan.
Ipinahayag pa ng UNESCO na kasalukuyan nitong kinakatigan ang iba't-ibang bansa sa pagsasagawa ng malawakang long-distance education, at nabuksan nito ang mga education APP at platforms para sa iba't-ibang bansa.
Salin: Lito