Kasabay ng pagpapabuti ng iba't-ibang lugar ng Tsina ng gawain ng pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), maayos din nilang isinusulong ang produksyong agrikultural sa tag-sibol.
Sa ngayon, umabot sa halos 67 libong hektarya ang saklaw ng pinagtataniman ng palay sa probinsyang Hainan ng Tsina. Mabilis ding isinusulong ang 495 mataas-lebel na proyekto ng konstruksyon ng sakahan sa probinsyang Jiangsu.
Pinasimulan din kamakailan ng lunsod Qingdao ng probinsyang Shandong ang gawain ng paghahanda sa pagtatanim ng sea rice. Bunga nito, magiging mabuting sakahan ang mga dating saline lands. Sa kasalukuyang taon, ibayo pang isusulong ang pagtatanim ng sea paddy rice sa Inner Mongolia, Xinjiang, at iba pang lugar ng bansa.
Bukod dito, pinabubuti ng iba't-ibang lugar ang mga gawain ng pag-oorganisa at pagsasaayos ng transportasyon at pagsuplay ng mga produkto at pondong agrikultural.
Salin: Lito