|
||||||||
|
||
Linggo, Marso 8, 2020—Ipinahayag sa Beijing ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina na sa kasalukuyan, ang pinakamahalagang tungkulin ay paggamot ng may-sakit at pagligtas ng buhay.
Kasabay nito, igagarantiya rin ng bansa ang pagpapatupad ng mga patakaran at hakbangin sa pagmamahal sa mga tauhang medikal, at aktibong pasusulungin ang pagtatatag ng iba't ibang lugar ng pangmatagalang mekanismo ng pangangalaga at pagmamahal sa mga tauhang medikal.
Sa news briefing ng Joint Prevention and Control Mechanism ng Konseho ng Estado ng Tsina nang araw ring iyon, isinalaysay ni Duan Yong, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Yamang-tao ng naturang komisyon, na inilunsad kamakailan ng Leading Group ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina sa Pagharap sa Epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang 10 hakbangin sa mga aspektong gaya ng sahod, pagkilala sa pinsalang pantrabaho, garantiya sa pamumuhay, halinhinang araw ng pahinga, pagsasaayos sa kalagayan sa pag-iisip at iba pa.
Aniya, pagkaraang ilabas ang mga hakbangin, aktibong umaksyon ang iba't ibang lugar upang komprehensibong ipatupad ang mga ito.
Ayon naman sa salaysay ni Guo Yanhong, Espesyal na Tagapag-superbisa ng nasabing komisyon, hanggang sa kasalukuyan, 346 na grupong medikal at 42,600 tauhan ang naipinadala sa Wuhan at Lalawigang Hubei.
Aniya, isinasagawa ang mga paraang gaya ng halinhinang araw ng pahinga, pagdaragdag ng mga tauhang medikal, at pleksibleng iskedyul ng trabaho, para maigarantiyang may lubos na kasiglahan ang mga tauhang medikal sa panggagamot.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |