|
||||||||
|
||
Kasabay ng mahigpit na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pinapalakas ng iba't ibang lugar ng Tsina ang suportang panserbisyo at pampatakaran, upang komprehensibong mapasulong ang pagpapanumblik ng operasyon at produksyon ng mga bahay-kalakal.
Kaugnay ng mga problemang kinakaharap ng mga bahay-kalakal sa aspekto ng pagbabawas ng buwis at pagpapahupa sa kahirapang pinansyal, inilunsad ng Shanghai ang 28 patakaran sa paghahatid ng benepisyo sa mga bahay-kalakal.
Kasabay nito, tinutulungan din ang mga bahay-kalakal na mabisang gamitin ang nasabing mga patakaran.
Sa Guangzhou, Lalawigang Guangdong naman, 48 patakaran ang inilabas ng pamahalaan para suportahan ang mga industriyang gaya ng sasakyang de motor, pagyari ng mga pasilidad at digital economy.
Tinatayang mababawasan ng mga patakarang ito ang pasanin ng mga bahay-kalakal na nagkakahalaga ng 83 bilyong yuan RMB.
Ang mga katulad na patakaran ay magkakasunod ding inilabas sa mga lalawigan at rehiyong awtonomo na gaya ng Jilin at Inner Mongolia.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |