Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[FB Live] Opisyal na Facebook Livecast hinggil sa COVID-19, Marso 10, 2020

(GMT+08:00) 2020-03-10 17:20:43       CRI

FB Link: https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/156974772022274/

PAKSA:

1. Xi Jinping, dumalaw sa Wuhan

2. Tsismis tungkol sa COVID-19

PAKSA 1

* Pangulong Xi Jinping ng Tsina, nagtungo ngayong araw sa lunsod Wuhan, lalawigang Hubei, episentro ng novel corona virus 2019 (COVID-19), upang inspeksyonin ang mga gawain sa paglaban sa virus.

* Binisita ni Pangulong Xi Jinping ang Huoshenshan Hospital, isa sa mga ospital na ginawa ng Tsina sa loob ng 10 araw para gamutin ang mga may-sakit na nasa kritikal na kondisyon.

* Sa kanyang pagbisita, ininspeksyon niya ang pagkagawa, operasyon, admisyon at panggagamot ng pasyente, protective medical supply, at siyentipikong pananaliksik sa virus.

* Kinatagpo at kakatagpuin ni Pangulong Xi ang mga frontline medic, lokal na opisyal, manggagawa ng komunidad, pulis, at mga boluntaryo. Magtutungo rin si Xi sa mga residensyal na komunidad para personal na makita ang kalagayan ng mga mamamayan.

* Si Pangulong Xi ang punong mandirigma laban sa epidemiya ng COVID-19. Siya mismo ang personal na nagdidirekta sa mga gawain ng pag-iwas at pagkontrol ng paglaganap ng virus.

* Mula Enero 7, pinanguluhan ni Xi ang 7 pulong ng Standing Committee ng Political Bureau ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at ang mga ito ay nagpokus sa pagkontrol ng epidemiya at mga hakbangin para mapanumbalik ang produksyong pang-ekonomiya at pagtatrabaho.

* Dahil sa kanyang mabilis at proaktibong pag-iisip, napalakas ang mga hakbang ng paglaban sa pagkalat ng epidemiya, agarang naidebelop ang mga gamot, at mabilis ngayong sumusulong ang usapin ng bakuna.

* Ayon sa mga ekspertong Tsino, maaaring pumasok sa clinical trial ang ilan sa mga bakuna sa darating na Abril.

* Ayon sa National Health Commission ng Tsina, 1,297 pasyente ang gumaling kahapon, samantalang ang pangkalahatang bilang ng mga gumaling ay 59,897.

*19 na bagong kaso na lamang ang naitala kahapon, 80,754, ang pangkalahatang bilang ng mga nagkasakit.

* 17 ang namatay kahapon at 3,136 ang pangkalahatang bilang ng namatay.

PAKSA 2

Novel Corona Virus, nag-mutate nga ba sa mas mapanganib na strain?

* Ayon sa pananaliksik ng mga siyentistang Tsino, nag-mutate na ang novel coronavirus sa 2 major subtype, at ito ang L type at S type.

* Ang L type, na mas bagong uri at mas agresibo ay naging mas kalat noong unang yugto ng epidemiya sa Wuhan, lalawigang Hubei. Samantala, ang S type naman, na mas matandang uri at hindi masyadong agresibo ay lumaganap kamakailan.

* Sa kabilang dako, binigyang-diin ng mga siyentistang Tsino, na ang mga mutasyon ay hindi makakaapekto sa pangkalahatang progreso ng pagdedebelop ng bakuna.

* Ayon kay Zhou Qi, Deputy Secretary-general ng Chinese Academy of Sciences, ginagawa ng Tsina ang koordinadong pananaliksik at lahat ng pananaliksik ay nasa ilalim ng kontrol, at ang mga batid na mutasyon ngayon ay hindi makakaapekto sa mga gamot, at pagdedebelop ng bakuna.

* Patuloy aniya nilang susubaybayan ang mga mutasyon at gagawin ang mga pananaliksik ayon dito.

* Kaugnay nito, sinabi ni Zheng Zhongwei, Direktor ng Development Center for Medical Science and Technology ng National Health Commission ng Tsina, na mayroon ngayong 9 na ginagawang pananaliksik sa pagdedebelop ng bakuna, at umaasa siyang papasok na ang ilan sa clinical na pagsubok sa darating na Abril.

Ang mga gumaling na pasyenteng nagpositibo ulit sa virus ay maaring makahawa

* Ayon kay Du Bin, Direktor ng Peking Union Medical College Hospital, walang ebidensiya na ang mga pasyenteng gumaling, na nagpositibo ulit sa novel corona virus ay maaaring makahawa.

* Dagdag ni Tong Zhaohui, Vice-president ng Beijing Chaoyang Hospital, ang mga pasyenteng gunaling na muling nagpositbo sa virus ay hindi "reinfected" or "relapsed," sila ay nagpositibo dahil mayroon pang naiwang virus sa kanilang katawan matapos silang lumabas sa ospital. Kakailanganin pa ang kaunting panahon para tuluyang mawala ang virus sa kanilang katawan, lalung-lalo na ang matatanda, kaya naman matapos lumabas ng ospital inilalagay sila sa 14-day quarantine, at ayon ito sa latest version ng guideline on the diagnosis and treatment of COVID-19 ng National Health Commission.

Novel coronavirus, mas nakamamatay kaysa sa ibang pathogen?

* Ayon sa World Helath Organization (WHO), ang fatality rate ng novel coronavirus pneumonia ay nasa 3.4 percent (total deaths divided by the number of confirmed cases).

* Ito ay mas mababa kaysa sa rate of death ng pathogens, tulad ng Ebola, na may fatality rate na umaabot sa 90 porsiyento.

SOURCE:

https://news.cgtn.com/…/Pres…/index.html

https://www.chinadaily.com.cn/…/WS5e670…

https://www.chinadaily.com.cn/…/WS5e66d…

https://news.cgtn.com/…/19-n…/index.html

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>