Ipinatalastas nitong Lunes, Marso 9, 2020 ng Hellenic Olympic Committee na idaraos sa Olympia sa Marso 12 ang seremonya ng Pagsindi sa Olympic Flame kaugnay ng Tokyo Olympic Games, pero ipinagbawal ang panonood ng publiko dahil sa epidemya ng COVID-19. Ito ay magsisilbing kauna-unahang pagkakataon na sisindihan ang apoy ng Olympiyada nang walang manonood, sapul nang idaos ang Los Angeles Olympic Games noong 1984.
Dahil sa kumakalat na epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), isinara ang isang pamayanan sa isang nayon na malapit sa lugar ng seremonya, dahil sa banta ng maramihang pagkahawa sa virus.
Salin: Vera