Sinuri at pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang umano'y Taiwan Allies International Protection and Enhancement Initiative (TAIPEI) Act of 2019. Humiling ito sa pamahalaang Amerikano na pahigpitin o bawasan ang ugnayang pangkabuhayan, panseguridad at diplomatiko sa ibang bansa, alinsunod sa kani-kanilang kalagayan ng pagsasaayos sa relasyon sa Taiwan. Tangka nitong sa pamamagitan ng pagbabanta at pagpapain, tulungan ng ilang pulitikong Amerikano ang awtoridad ng Taiwan na patibayin ang umano'y relasyong diplomatiko, at palawakin ang umano'y espasyong pandaigdig.
Sapul nang umakyat sa poder ang awtoridad ni Tsai Ing-wen noong 2016, pinutol ng 7 bansa ang umano'y relasyong diplomatiko sa Taiwan, at itinatag o pinanumbalik ang relasyong diplomatiko sa Republika ng Bayan ng Tsina. Sa kasalukuyan, 180 bansa sa buong mundo ang may relasyong diplomatiko sa Tsina. Kahit malaki man o maliit, malakas man o mahina, mayaman man o mahirap, pantay-pantay ang pakikitungo ng Tsina sa magkakaibang bansa, at nagpupunyagi para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win results.
Noong nagdaang 40 taon, itinatag ng Amerika ang relasyong diplomatiko sa Tsina, batay sa simulaing isang Tsina. Pero ngayon, ang TAIPEI Act of 2019 ay hindi lamang tumataliwas sa pandaigdigang batas at simulain ng relasyong pandaigdig, kundi humahadlang din sa pagpapaunlad ng mga soberanong bansa ng normal na relasyong diplomatiko sa Tsina. Tangka ng nasabing panukalang batas na gawing pain ng ahedres ang Taiwan, upang hadlangan ang pag-unlad at unipikasyon ng Tsina. Samantala, makikinabang ang Amerika sa pagpupukaw ng ostilong kalagayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, sa gayo'y pangangalagaan ang sariling hegemonistikong katayuan.
Ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at ito ay may kinalaman sa nukleong interes ng Tsina. Kung maingat at maayos na hahawakan ng panig Amerikano ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan, isasagawa ang aktuwal na hakbangin sa pagpigil sa pagsasabatas ng naturang panukalang batas, at hindi lilikhain ang mas maraming problema sa relasyong Sino-Amerikano, saka lamang maiiwasan ang pagpinsala sa sariling kapakanan.
Salin: Vera