|
||||||||
|
||
Isinagawa ng iba't ibang bansa ang mahigpit na hakbangin para kontrolin ang pagkakalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinatalastas Marso 11, 2020, ni Donald Trump, Pangulo ng Amerika, na mula Marso 13, pansamantalang ititigil ang pagpasok sa Amerika ng mga manlalakbay mula sa lahat ng bansang Europeo, maliban sa Britanya.
Ito aniya ay tatagal nang 30 araw.
Ipinasiya Marso 11, 2020, ng India na pansamantalang kanselahin mula Marso 13 ang lahat ng visa sa India ng lahat ng turistang dayuhan.
Ayon sa opisyal na balita, mula Marso 11 hanggang Abril 30, ipinagbabawal ng Principality of Monaco ang lahat ng cruise port calls sa teritoryong pandagat nito.
Ipinalabas Marso 11, 2020, ni Pangulong Nayib Bukele ng Republic of El Salvador na patataasin ang antas ng alerto ng buong bansa.
Ipinatalastas ni Hassan Diab, Pangulo ng Republic of Lebanon na pansamantalang ititigil ang mga flight lines sa pagitan ng Lebanon at Italy, Iran, Timog Korea at Tsina.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |