|
||||||||
|
||
Kasabay ng pagkalat ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Europa, inilabas nitong Miyerkules, Marso 11, 2020 ng maraming bansang Europeo ang mga bagong hakbangin sa paglaban sa epidemiya.
Sa Italya kung saan, patuloy na nagiging grabe ang epidemiya, naputol na ang lahat ng mga aktibidad na komersyal, liban sa mga tindahang nagbebenta ng gamot at pagkain. Pinanatili naman ang mga pundamental na serbisyong pampubliko na gaya ng koreo, transportasyon, at pinansya. Ang pleksibleng sistema ng pahinga at pagtatrabaho ay pinapasigla rin.
Samantala, ang pangangalaga sa matatanda ay pokus ng Pransya sa paglaban sa epidemiya. Ipinagbabawal ang pagbisita ng mga tauhang panlabas sa lahat ng mga nursing facility.
Sa pinakahuling fiscal budget na inilabas ng Britanya, matatagpuan ang plano sa pagpapasigla ng kabuhayan sa gitna ng epidemiya ng COVID-19 na nagkakahalaga ng 30 bilyong pounds.
Bukod dito, pinag-iibayo rin ng mga bansang gaya ng Greece at Alemanya ang mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |