Ayon sa pinakahuling impormasyon ng Ministri ng Kalusugan ng Iran, nitong Miyerkules, Marso 11, 2020, 958 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Iran, at 63 naman ang namatay.
Hanggang Miyerkules ng tanghali, 9,000 ang pangkalahatang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Iran: kabilang dito, 354 ang namatay.
Upang mapataas ang kakayahan sa pagtanggap at paggamot sa mga kumpirmado at pinaghihinalaang kaso, tinularan ng pamahalaang Iranyo ang karanasan ng Tsina, at itinatag ang mga mobile cabin hospital.
Salin: Vera