|
||||||||
|
||
Pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nakita ng maraming tao ang magkaibang kilos ng Tsina at Amerika sa aspekto ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Bunga ng masigasig na pagsisikap, mahigit isang buwan lang ang ginugol ng Tsina upang mabisang kontrolin ang epidemiya.
Sa kabilang banda naman, tuluy-tuloy na tumataas ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa Amerika. Mabagal ang pagtaya at pagsasagawa ng pamahalaang Amerikano ng katugong hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Sa katunayan, pinahina ng ilang kanluraning media ang kani-kanilang pagbatikos sa mga hakbangin ng Tsina sa pagpuksa sa epidemiya, at higit pa, pinuna nila ang pamahalaang Amerikano sa pag-aaksaya ng ginintuang panahon ng pagpigil sa pagkalat ng epidemiya.
Pagkatapos ng kanyang 9-araw na paglalakbay-suri sa Tsina, tinukoy kamakailan ni Bruce Aylward, Mataas na Tagapayo ng Direktor Heneral ng WHO, na maaaring kopyahin ang paraan ng Tsina sa pagpigil sa epidemiya, at kinakailangan ang bilis, pondo, pagkamalikhain at malakas na kaisipang pulitikal.
Sa harap ng walang tigil na pagkalat ng epidemiya, mayroon bang ganitong pagkamalikhain at malakas na kaisipang pulitikal ang Amerika sa susunod na hakbang?
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |