|
||||||||
|
||
Huwebes ng gabi, Marso 12, 2020, nakipag-usap sa telepono si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
Tinukoy ni Xi na pagkaraan ng masigasig na pagsisikap, tuluy-tuloy na bumubuti ang kalagayan ng pagpigil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa, at mabilis na napapanumbalik ang kaayusan ng produksyon at pamumuhay. Aniya, sa susunod na hakbang, patuloy na palalakasin ng Tsina ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, samantalang mabilis na pasusulungin ang iba't ibang gawaing may kinalaman sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan. Nananalig aniya siyang tiyak na pagtatagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang epidemiya, at isasakatuparan ang mga nakatakdang target ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan.
Diin ni Xi, nakahanda ang Tsina na ibahagi sa mga bansa ang karanasan sa pagpuksa sa epidemiya, isagawa ang magkasanib na pananaliksik at pagdedebelop ng gamot at bakuna, at ipagkaloob sa ilang bansang may kumakalat na epidemiya ang tulong sa abot ng makakaya.
Saad ni Xi, ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN. Kinakatigan aniya ng Tsina ang komunidad ng daigdig na gawing pagkakataon ang kasalukuyang epidemiya, upang ulitin ang pangakong pagpapatupad ng multilateralismo, at palakasin at kumpletuhin ang global governance system na ang nukleo nito ay UN.
Nagpahayag naman si Guterres ng pananalig na mabilis na pupuksain ng Tsina ang epidemiya, at panunumbalikin ang kaayusang pangkabuhayan sa lalong madaling panahon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |