|
||||||||
|
||
Hanggang Sabado ng gabi, Marso 14 (local time) 2020, umabot sa 6,393 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Espanya.
Kabilang dito, 195 ang namatay, 272 ang nasa malubhang kondisyon, at 571 ang gumaling.
Ipinatalastas Sabado ng gabi ni Pedro Sanchez, Punong Ministro ng Espanya, na mula araw na ito, isinasagawa ng kanyang bansa ang "city lockdown" para labanan ang epidemiko ng COVID-19.
Pinakamahigpit na limitasyon ang ipapataw sa paglalakbay ng lahat ng mga mamamayan ng bansang ito upang mapigilan ang pagkalat ng epidemiya.
Bukod dito, kumpirmadong nahawahn ng virus si Begona Gomez, asawa ni Sanchez.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |