Ayon sa pinakahuling araw-araw na ulat tungkol sa kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na isinapubliko nitong Sabado, Marso 14 , 2020 ng World Health Organization (WHO), hanggang alas-10:00 ng Sabado ng umaga, Central European Time, (CET), umabot na sa 61,518 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa labas ng Tsina, na kinabibilangan ng 135 bansa't rehiyon sa buong daigdig.
Kabilang dito, 2,199 ang naiulat na namatay.
Ayon pa sa datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang alas otso ng gabi, Marso 14 Eastern Standard Time (EST), 156,102 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig.
Kabilang dito, 2,726 ang nasa Amerika, at 54 ang namatay.
Salin: Lito