|
||||||||
|
||
Sinabi Miyerkules, Marso 18, 2020 ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na upang tuluy-tuloy na mapatingkad ang benepisyong dulot ng patakaran ng pagbibigay-tulong sa mahihirap sa pamamagitan ng konsumo, magkakasanib na isasagawa ng 28 departamento ng bansa na kinabibilangan ng naturang komisyon, Ministri ng Agrikultura at Kanayunan, at Ministri ng Komersyo ang espesyal na aksyon ng pagbibigay-tulong sa mahihirap, sa pamamagitan ng konsumo.
Ayon sa salaysay, pagsasama-samahin ng nasabing 28 departamento ang kani-kanilang patakaran, pondo at yaman ng mga proyekto, para totoong malutas ang problema sa hindi-mabiling produktong agrikultural at sideline products, mapasulong ang konsumo ng serbisyong panturismo sa mahihirap na rehiyon, at mabisang maharap ang di-paborableng epektong dulot ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa pagbebenta ng produktong agrikultural at konsumong panturismo.
Ayon sa datos, noong 2019, 48.3 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng produktong agrikultural ng mahihirap na rehiyon na direktang binili o tinulungang ibinenta ng gawing silangan ng Tsina.
Samantala, 15.4 bilyong yuan RMB naman ang produktong agrikultural ng mahihirap na county na direktang binili at tinulungang ibinenta ng mga departamento ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang sentral.
Bukod dito, lampas sa 100 bilyong yuan RMB ang produktong agrikultural ng mahihirap na rehiyon na ibinenta sa ilalim ng pagtulong ng iba't ibang uri ng departamento, bahay-kalakal at mga organisasyong panlipunan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |