Si Huang Zhichao
Si Huang Zhichao ay isang batang lalaking namumuno sa usapin ng pagpapaunlad ng buhay sa Hengtian Village ng Lalawigang Jiangxi, Tsina. Kahit 24 na taong gulang lamang siya, kahanga-hanga ang kanyang karanasan sa pagsisimula ng sariling negosyo.
Noong 2015, sa pamamagitan ng plataporma ng e-commerce ng China Post, nagbenta si Huang ng mga katangi-tanging produktong agrikultural na gaya ng white lotus, pinulbos na kamote, galapong at iba pa. Tinulungan din niya ang ibang taga-nayon na magbenta ng mga bagong produkto sa online platform. Nakuha rin niya ang komisyon, sa pamamagitan ng pakyawan ng mga produktong gaya ng laruan, stationery at pang-araw-araw na kagamitan mula sa Alibaba, pinakamalaking online platform ng pakyawan sa Tsina. Noong panahong iyan, namonopolyo ni Huang ang halos lahat ng mga negosyo ng e-commerce sa nayon.
"Dapat walang humpay na baguhin ang kaisipan at ideya, para manatiling kompetitibo sa pamilihan," saad ni Huang.
Salin: Vera