Ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Marso 20, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hindi kailanman makakalimutan ng Tsina ang pagkakaloob ng komunidad ng daigdig ng suportang pulitikal at tulong na materiyal sa Tsina sa panahon ng pinakamalubhang kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Aniya, kasalukuyang nagbibigay ang Tsina ng tulong sa mga bansang apektado ng epidemiya.
Ani Geng, sa kasalukuyan, ipinaalam ng Tsina ang pagkakaloob ng tulong sa 82 bansa, World Health Organization (WHO), at Unyong Aprikano (AU).
Salin: Lito