Pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID019), walang batayang binatikos ng ilang pulitiko at media ng Amerika ang Tsina na sinadya nitong ilihim ang impormasyong may kinalaman sa kalagayan ng epidemiya. Pero ibinunyag kamakailan ang kasinungalingang ito ni Gauden Galea, Kinatawan ng World Health Organization (WHO) na kasali sa gawain ng pagpigil sa epidemiya ng Tsina.
Saad ni Galea, noong Disyembre 31, 2019, natanggap ng WHO ang di-pormal na patalastas ng Tsina hinggil sa kaso ng pneumonia may di-matukoy na dahilan. Nitong Enero 1, 2020, itinaguyod ng WHO ang teleconference ng Tanggapan sa Tsina, Tanggapang Rehiyonal at Punong Himpilan sa Geneva, at nabuo ang grupo sa pagharap sa ganitong sakit, bago matapos ng panig Tsino ang pormal na pagpapaalam noong Enero 3. Mula Enero 20 hanggang Enero 21, naglakbay-suri sa Wuhan, episentro ng epidemiya ng COVID-19, ang mga tauhan ng WHO sa Tsina.
Ang mga detalyeng isinapubliko ni Galea ay nagpapatunay na ang napapanahong pagbabahagi at pag-uulat ng Tsina ng mga kaulang impormasyon sa WHO ay nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa tumpak na pag-aanalisa't pagtasa ng WHO ng tunguhin ng epidemiya, at pagpapalabas ng babalang pandaigdig sa pagpigil sa epidemiya.
Aniya, sa pamamagitan ng napakalaking pagsisikap at pagsasakripisyo, itinatag ng Tsina ang unang linyang pandepensa para sa pagpigil sa pagkalat ng epidemiya sa komunidad ng daigdig.
Salin: Vera