Sa inilathalang artikulo kamakailan ng International Monetary Fund (IMF), ipinahayag nito na sa kasalukuyan, nagdudulot ang kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ng malalim at pangmalayuang epekto sa buong daigdig. Anito, ipinakikita ng karanasang Tsino sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya na maaaring mabisang mapigil ang pagkalat ng epidemiya at mapapaliit ang negatibong epekto kung isasagawa ang tumpak na polisiya.
Kinumpirma rin ng IMF ang ginagawang pagsisikap ng Tsina sa aspekto ng pagbibigay-tulong sa mga katam-taman at maliit na bahay-kalakal, at mga mahirap na mamamayan.
Salin: Lito