Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang hating gabi ng Marso 22, tatlumpu't siyam (39) ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland .
Ang lahat ng nasabing mga kaso ay naangkat sa ibayong dagat.
Samantala, 5,120 ang naitalang kasalukuyang kumpirmadong kaso, at 136 ang pinaghihinalaang kaso.
Bukod dito, lumampas na sa 89.6% ang recovery rate ng kabuuang 81,093 kumpirmadong kaso, ibig sabihin, 72,703 sa kanila ang gumaling at lumabas sa hospital.
Salin: Jade