|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na ilang araw, paulit-ulit na tinawag ng ilang pulitikong Amerikano ang novel coronavirus bilang "Chinese virus," bagay na nakatawag ng pagbatikos ng komunidad ng daigdig.
Ukol dito, tinukoy ni Amanda Walker, mamamahayag ng Sky News ng Britanya, na "kung mamamatay ang milyun-milyong mamamayang Amerikano, ang pangulo ng Amerika ang may kagagawan nito."
Ang paggamit aniya ng pangalang "Chinese virus" ay paraan ng pag-iwas sa mga batikos sa kanya.
Samantala, sinabi kamakailan ni Dr. Giuseppe Remuzzi, Direktor ng Mario Negri Institute for Pharmacological Research ng Italya, na noong unang dako ng Disyembre o katapusan ng Nobyembre, posibleng nadiskubre sa Italya ang mga pasyenteng may bihira at napakalubhang pneumonia.
Ani Remuzzi, ayon sa impormasyong ito, may posibilidad, na kumakalat na noong panahong iyon ang coronavirus sa Lombardy, administrative region sa hilagang kanlurang Italya, bago pa man naiulat ang epidemiya sa Wuhan, Tsina.
Sinabi naman nitong Biyernes, Marso 20, 2020 ni Punong Ministro Scott Morrison ng Australya na halos 80% ng mga nahawahan ng COVID-19 sa Australya ay galing sa ibang bansa at kanilang mga close contact.
Karamihan sa mga ito ay galing sa Amerika, dagdag niya.
Kasabay ng parami nang paraming dudang nakatuon sa Amerika, dapat ipaliwanag ng pamahalaang Amerikano sa mga mamamayan nito at buong daigdig ang tatlong duda ukol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Una, ayon sa pinakahuling kalkulasyon ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), sapul nang magsimula ang flu season sa Amerika noong Setyembre ng 2019, mahigit 30 milyong Amerikano ang nahawa ng trangkaso, at lampas sa 20,000 ang bilang ng mga natamay rito.
Inamin kamakailan ni Robert Redfield, Direktor ng CDC, na ang ilang namatay sa trangkaso ay, sa katunayan, nahawa ng COVID-19.
Sa naturang mahigit 20,000 kaso ng pagkamatay sa trangkaso, ilan ang kaso ng COVID-19?
Ikinukubli ba ng Amerika ang kalagayan ng COVID-19, sa pamamagitan ng trangkaso?
Ika-2, noong Hulyo ng 2019, bakit biglaang isinara ang base ng Fort Detrick sa Maryland?
Ang nasabing base ay pinakamalaking sentro ng pananaliksik at pagdedebelop ng sandatang kemikal at biolohikal ng tropang Amerikano.
Sa sandali panahon lamang makaraang isara ang baseng ito, lumitaw sa Amerika ang mga kaso ng pneumonia o kasong parang pheumonia.
Samantala, sumiklab ang H1N1 pandemic sa Amerika.
Noong nagdaang Oktubre, ini-organisa ng maraming organo ng Amerika ang isang pagsasanay hinggil sa pandemic, na may codename na "Event 201."
Noong Disyembre, lumitaw ang sintomas sa unang nakahawa ng COVID-19 sa Wuhan.
Nitong Pebrero, 2020, sumiklab ang epidemiya ng COVID-19 sa maraming bansa ng mundo.
At ika-3, noong kalagitnaan ng Pebrero, bakit parang hindi pinahahalagahan ng pamahalaang Amerikano ang kalagayan ng epidemiya ng COVID-19 sa loob ng bansa, pero ibinenta ng maraming opisyal ng Senate Intelligence Committee ang shares na nagkakahalaga ng mahigit 1 milyong dolyares?
Ibinienta ba ng mga pulitiko ang shares sa pamamagitan ng insider-trading, habang inililihim ang kalagayan ng epidemiya sa mga mamamayan?
Sa kanilang mga desisyon sa harap ng epidemya, mas priyoridad ba ang yaman, sa halip na buhay?
Hanggang alas-11 Sabado ng gabi, Marso 21, local time, tumaas sa 26,747 ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 340 ang namatay.
Patindi nang patindi ang kalagayan ng epidemiya sa bansang ito.
Sa harap ng krisis, ang kilos ng ilang pulitikong Amerikano ay katulad ng komento ng kilalang manunulat na si Yuval Noah Harari "sila ay hindi kailaman'y nagsasabalikat ng sariling responsibilidad, at hindi kailaman'y umaamin ng sariling kamalian. Sa halip, lahat ng mainam na gawa ay ikinekredito sa sarili, subalit lahat ng hindi mainam ay isinasangkan sa ibang tao."
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |