Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Opisyal na Facebook Livecast ng Serbisyo Filipino hinggil sa COVID-19, Marso 23, 2020

(GMT+08:00) 2020-03-23 15:02:29       CRI
Narito po ang pinakahuling impormasyon hinggil sa COVID-19, na handog ni Rhio Zablan, mamamahayag ng Filipino Service, China Media Group para sa Marso 23:

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/2643138609265615/

PAKSA

1. Recombinant sub-unit vaccine ng Tsina, pumasok na sa Phase I clinical trial

2. Unang kaso ng COVID-19, posibleng sa Italya nadiskubre

PAKSA 1

* Sinimulan na po ng Tsina ang unang yugto o phase 1 ng clinical trial para sa recombinant sub-unit vaccine na panlaban sa corona virus disease 2019 (COVID-19).

* Ayon sa Clinical Trial Registry ng Tsina, na-i-rehistro ang phase 1 clinical trial noong March 17.

* Ang bakunang kasalukuyang sinusubok ay magkasamang idinebelop ng Institute of Biotechnology, Academy of Military Medical Sciences ng People's Liberation Army at Tianjin-based CanSino Biologics Inc.

* Sinusubok po ngayon ang bakuna sa 108 malusog na indibiduwal na nasa edad 18 hanggang 60 anyos sa 2 medikal na pasilidad sa lunsod Wuhan, lalawigang Hubei, dating episentro ng COVID-19 sa Tsina.

* Inaasahang matatapos ang pagsubok sa Dec 31, 2020.

* Ang recombinant sub-unit vaccine na ito ay nagtataglay ng bahagi ng pathogen o novel corona virus para mag-stimulate ng protective immune response.

* Ang grupong Tsino na nagdebelop at sumusubok sa bakuna ay pinamumunuan ni senior bioengineer Major General Chen Wei.

* Ayon sa resulta mula sa preclinical animal studies, ang kandidatong bakunang ito ay kayang makagawa ng malakas na immune response, at nagpakita rin ng mataas na kaligtasan sa paggamit.

* Nitong nakaraang Sabado, isang video ang ini-upload sa video-sharing platform na Douyin o Tiktok ni Ren Chao, isang boluntaryo mula sa Wuhan.

* Aniya, "ang lahat ng ito ay magiging sulit, kung sa pamamagitan ng partisipasyon ko, hindi na kailangang magsuot ng mask ang mga tao, at muli nang makikita ng isat-isa ang kanilang mga ngiti."

* Noon namang Huwebes, isa pang babaeng boluntaryo ang nag-post ng dalawang litrato sa Sina Weibo,Twitter-like social media platform ng Tsina, kung saan makikitang ini-iniksiyonan siya ng bakuna.

* Aniya, "gusto kong gumawa ng ekstraordinaryong bagay at handa akong harapin ang anumang konsikuwensiya."

* Ang mga boluntaryo ay tatanggap ng serye ng mga follow-up examination sa loob ng anim na buwan matapos silang ma-iniksiyonan.

* Ito ay upang makita kung nakadebelop ng anti-body laban sa virus ang kanilang mga immune system.

* Kaugnay nito, sinabi ni Zheng Zhongwei, Direktor ng Development Center for Medical Science and Technology ng National Health Commission ng Tsina, na mayroon na mayroong 5 tipong bakuna ang idinedebelop ang Tsina;

a. inactivated vaccine

b. recombinant subunit vaccine

c. adenoviral vector vaccine

d. live attenuated vaccine

e. nucleic acid-based vaccine

* Samantala, noong March 15, inumpisahan na rin ng mga siyentipiko ng Kaiser Permanente Washington Health Research Institute ang unang vaccine trial sa Amerika.

* Sa Britanya, sisimulan naman ng mga mananaliksik ng Oxford University ang animal trial ng kanilang bakuna sa susunod na linggo, at umaasa silang sa Abril ay papasok na rin sa clinical trial ang kanilang bakuna.

PAKSA 2

* Sa panayam kamakailan sa National Public Radio ng Amerika, sinabi ni Dr. Giuseppe Remuzzi, Direktor ng Mario Negri Institute for Pharmacological Research ng Italya, na napag-alaman niya kamakailan mula sa mga doktor sa Lombardy, administrative region sa hilagang kanlurang Italya, na noong unang dako ng Disyembre o katapusan ng Nobyembre, nadiskubre ng naturang mga doktor ang mga pasyenteng may pambihira at napakalubhang pneumonia.

* Ani Remuzzi, ayon sa impormasyong ito, may posibilidad, na kumakalat na noong panahong iyon ang coronavirus sa Italya, bago pa man naiulat ang epidemiya sa Wuhan, Tsina.

* Matatandaang ang pinakamaagang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay natuklasan noong Disyembre 8, 2019, sa Wuhan.

Source:

http://covid-19.chinadaily.com.cn/a/202003/23/WS5e77f24aa31012821728112d.html?fbclid=IwAR0FPHw-48Sp7XQc_o3QNaO6NTZyJpg_ziQbp-BVL2ZEqf0RUYscmGFY9Wc

https://filipino.cri.cn/301/2020/03/22/101s166910.htm?fbclid=IwAR0O-JPmPFo_wv_j5pOTSgPuHOAZReDLvNgOyqvNtpIJA_46ZZG0PbAJkEc

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>