|
||||||||
|
||
Hayagang ginamit nitong nakalipas na ilang araw, sa social media platform at pampublikong okasyon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang salitang "Chinese virus" bilang kahalili sa "coronavirus."
Tinukoy ng American media na kasabay ng tuluy-tuloy na pagdami ng mga nahawahan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, masipag itong isinisisi ni Trump sa Tsina.
Dahil sa istigmatisasyon ni Trump sa nasabing epidemiya upang gawing sangkalan ang Tsina, umani ito ng puna ng iba't ibang sirkulo ng lipunan ng buong mundo.
Samantala, ipinahayag sa social media ni Hillary Clinton, Miyembro ng Democratic Party ng Amerika, na "ginagawa ng pangulo sa rasistikong pananalita, para ibaling sa Tsina ang sisi, para hindi siya mapagdiskitahan sa kanyang kamalian na di-maagang pag-aksyon sa epidemiya, hindi pagbibigay ng malawakang pagsusuri, at hindi paghahanda para sa pagharap ng bansa sa krisis."
Saad naman ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, isinagawa ng Tsina ang mabisang hakbangin para sa paglaban sa epidemiya.
Aniya, sa pamamagitan ng mga malakas na hakbangin, hindi lamang nakontrol ang epidemiya sa loob ng bansa, kundi nakagawa rin ng mahalagang ambag para sa pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan ng buong mundo.
Ang aksyon ng Tsina ay pinakamagandang reaksyon sa probokasyon at istigmatisasyon ng ilang bansa, dagdag ni Putin.
Sa regular na news briefing ng World Health Organization (WHO) kaugnay ng epidemiya ng COVID-19, ipinahayag ni Michael Ryan, Executive Director ng Health Emergencies Programme ng World Health Organization (WHO), na walang hanggahan ang virus, at hindi nito iniintindi ang anumang lahi, kulay ng balat at kayamanan, kaya dapat iwasan ang pag-u-ugnay ng virus sa indibiduwal.
Noong Marso 18 at Marso 19, magkahiwalay na nakipag-usap sa telepono si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa kanyang mga counterpart sa Rusya, Indonesia, Netherlands, Singapore at Pransya.
Diin ni Wang, buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng istigmatisasyon sa epidemiya at mga aksyong nakatuon sa takdang bansa.
Aniya, walang hanggahan ang virus. Ang epidemiya ay komong kaaway ng sangkatauhan, at kailangang magbuklud-buklod ang komunidad ng daigdig para harapin ito.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |