|
||||||||
|
||
Ayon sa opisyal na website ng International Olympic Committee (IOC) nitong Linggo, Marso 22, 2020, pag-iibayuhin ng IOC ang pagpaplano sa Olympic Games Tokyo 2020.
Kaugnay ng isyu ng pagpapaliban ng nasabing olimpiyada, matatapos ang kaukulang pagtalakay sa loob ng 4 na linggo, ayon sa IOC.
Sa kanyang liham sa mga atleta na inilabas sa official social media nang araw ring iyon, nanawagan si Thomas Bach, Tagapangulo ng IOC, na magbuklud-buklod ang lahat para mapagtagumpayan ang kasalukuyang krisis, na walang katulad sa kasaysayan.
Anang liham, ang pagkansela sa olimpiyada ay makakasira sa pangarap ng 11,000 atleta mula sa 206 na bansa't rehiyon at grupo ng mga refugee.
Ito rin ay hindi kalutasan sa anumang problema, at hindi makakatulong sa sinuman, kaya hindi ito agenda ng IOC, dagdag ni Bach.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |