|
||||||||
|
||
Kaugnay ng lumulubhang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika at pagtatangka nitong ibaling ang sisi Tsina, direktang sinabi, Marso 20, 2020 ni Punong Ministro Scott Morrison ng Australia, na ang nakakaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19sa Autralia ay nagmumula sa Amerika. Dahil dito, mula nitong Biyernes ng gabi, Marso 20, ipinagbabawal na ng Australia ang pagpasok ng lahat ng dayuhan sa bansa.
Paano nakakapinsala ang Amerika sa ibang bansa?
Noong Pebrero, walang anumang ginawang malakas na hakbangin ang Amerika sa pakikibaka laban sa epidemiya. Ayon sa "The Atlantic Monthly," habang nagsisimulang ituring ng iba bansa ang COVID-19 bilang banta sa pampublikong kalusugan, itinuring naman ng mga lider Amerikano ang epidemiyang ito bilang isyu ng pampublikong relasyon, at ang kanilang pangunahing porma sa paghawak sa isyung ito ay pagwawalang-bahala. Natamo ng Amerika ang ilang pulitikal na pag-unlad mula sa kanilang kagawian, ngunit lumala ang krisis ng pampublikong kalusugan.
Kasunod ng paghigpit ng kalagayan, patuloy ding lumalala ang kawalang-kasiyahan ng mga mamamayan. Sa bandang huli, idineklara noong Marso 13 ng Amerika ang pagpasok ng bansa sa "National Emergency Status," at nangako itong isasagawa ang isang serye ng hakbangin para mapigilan at makontrol ang epidemiya. Ngunit, ito ay salita lamang at wala pa ring aktuwal na aksyon ang Amerika. Walang sapat na test kit, at kulang din ang mga higaan at medikal na materyal para sa mga nagkakasakit. Ayon sa American media, ang bilang ng mga di-pa natuklasang kumpirmadong kaso ay posibleng nasa 11 ulit kumpara sa kasalukuyang tiyak na bilang.
Hanggang sa ngayon, lumampas na sa 35 libo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika na umakyat sa ika-3 puwesto sa buong daigdig. Inilagay na rin ni US President Donald Trump ang mga estadong gaya ng New York, Washington, at California, sa kalagayan ng "lugar na malubhang apektado ng epidemiya." Sa kabila nito, ipinahayag pa rin ng pamahalaang Amerikano na "hindi grabe ang kalagayang epidemiko sa maraming lugar," at abalang-abala itong nagbabaling ng sisi sa iba.
Ayon sa The Daily Beast ng Amerika, sa mensaheng ipinadala sa Kagawaran ng Estado ng Amerika, at hinihiling nito sa mga opisyal na ibaling ang lahat ng responsibilidad ng pagkalat ng epidemiya sa Tsina. Ngunit agaran itong naibunyag ng mga netizen.
Ayon sa kasalukuyang tunguhin ng pagtaas ng mga kumpirmadong kaso, unti-unting lumalala ang kalagayang epidemiko sa Amerika. Sa pamamagitan ng mathematical model, isinagawa ng mga mananaliksik ng Columbia University ang pagtaya tungkol sa pag-unlad ng kalagayang epidemiko ng COVID-19 sa Amerika. Ayon dito, kung walang mabisang hakbanging isasagawa, posibleng umabot sa halos 300 libo ang karagdagang kumpirmadong kaso sa bawat araw.
Kalunus-lunos ang Amerikang naparalisa ng epidemiya. Ngunit, mas nakakalungot ang krisis na kinasadlakan ng mga mabuting bansang walang anumang kalaban-laban sa Amerika. Isinagawa ng Amerika ang travel ban sa kanyang mga kaalyadong bansang Europeo. Isinarado ang pinto-papasok, ngunit bukas pa rin ang pinto-palabas. Dahil dito, magkakasunod na tinatamaan ng epidemiya ang mga kaalyadong bansa ng Amerika.
Kung sino ang talagang sumisira sa pangkalahatang kalagayan ng pakikibaka laban sa epidemiya, ngayo'y mayroon nang bagong ebidensya.
Nagbabala na ang Australia na kung patuloy na magbubulag-bulagan at sunud-sunuran ang ilang bansang kanluranin sa Amerika, napakalubha ng magiging resulta.
Sa isang artikulong ipinalabas sa "The Guardian" ni Sadiq Khan, Alkalde ng London, ipinahayag niya na kailangang isaayos ang pandaigdigang kabuhayan para harapin ang corona virus. Aniya, ang corona virus ay hindi "China virus," at ito ay makakaapekto sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |