|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos ng John Hopkins University, hanggang 18:43 ng Linggo, Marso 22 (American Eastern Standard Time, EST), 2020, pumalo na sa 33,073 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
Sa isang preskon, kinumpirma nitong Linggo ni Mike Pence, Pangalawang Pangulo ng Amerika, na di-kukulangin sa 254,000 Amerikano ang nakatanggap na ng corona virus test at nakuha ng resulta. Ngunit, ito aniya ay di-kabilang datos ng pagsusuri ng mga lokal na ospital at pribadong laborataryo.
Si Bill de Blasio, Alkalde ng New York
Ipinahayag naman Marso 22 ni Bill de Blasio, Alkalde ng New York, na kung hindi agarang aaksyon si Pangulong Donald Trump, "kapinasalaang ng buhay" ang ibubuwis ng mga mamamayang Amerikano.
Sa kasalukyyan, halos 1/3 ng bilang ng kumpirmadong kaso ay nasa New York. Nagbabala si Blasio na hindi bubuti ang kalagayang ito sa loob ng maikling na panhon. Patuloy na lumalala ang situwasyon, aniya pa.
Sa isa pang preskong idinaos nitong Linggo ng White House, idineklara ni Donald Trump na ipapadala ang United States National Guard para bigyang-tulong ang mga estado na gaya ng Washington, California, at New York, sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Ipinahayag din niya na magkakasunod pumasok ang mga kaukulang lugar sa katayuang "malubhang apektado ng epidemiya." Ani Trump, layon ng aksyong ito na pahigpitin ng Pederal na Pamahalaan ang pagbibigay-tulong sa nasabing mga estado.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |