|
||||||||
|
||
Gaganapin Huwebes, Marso 26, 2020 ang espesyal na summit ng G20 sa pagharap sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at dadalo sa summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ito ang kauna-unahang virtual summit sa kasaysayan ng G20.
Ito rin ang kauna-unahang mahalagang multilateral na aktibidad na lalahukan ni Pangulong Xi, sapul nang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19.
Sinabi nitong Miyerkules ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang G20 ay mahalagang plataporma ng pagharap sa mga pandaigdigang krisis at pangangasiwa sa kabuhayan.
Aniya, sa kasalukuyang masusing panahon ng mabilis na pagkalat ng epidemiya sa buong mundo, mahalagang mahalaga ang katuturan ng pagdaraos ng nasabing espesyal na summit para sa pag-uugnayan at pagkokoordinahan hinggil sa pagharap sa pagkalat ng epidemiya, at pagpapatatag ng kabuhayang pandaigdig.
Dagdag ni Ma, buong pananabik na inaasahan ng panig Tsino na mapapalakas ng naturang summit ang pagkakaisa, pagtutulungan at pagkokoordinahan ng iba't ibang kaukulang panig.
Nakahanda aniya ang Tsina na magpunyagi, kasama ng ibang kasapi ng G20, upang mapasulong ang pagtatamo nito ng positibong bunga.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |