Ang kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay isang napakalaking pagsubok sa bawat bansa sa "Global Village."
Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, natamo ng Tsina ang mahalagang yugtong bunga sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Sa kasalukuyan, sumiklab ang epidemiya sa maraming lugar ng buong mundo. Kung magsisikap ang buong sangkatauhan, tiyak na mapagtatagumpayan ang epidemiyang ito.
Sa paggigiit ng ideya ng Komunidad ng Pinagbabahaginang Kapalaran ng Sangkatauhan, aktibong pinasusulong ni Xi ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya. Iniharap niya sa kauna-unahang pagkakataon, ang ideya ng pagtatatag ng Komunidad ng Kalusugan. Isinusulong din niya ang pagpapalakas ng iba't-ibang panig ng kanilang kooperasyon sa ilalim ng mga balangkas na gaya ng United Nations (UN), at G20.
Salin: Li Feng