Pagkaraang dumalo sa G20 Extraordinary Virtual Leaders' Summit hinggil sa COVID-19 pandemic, ipinahayag ni Guy Ryder, Direktor Heneral ng International Labour Organization (ILO), ang pagtanggap sa pangakong ginawa ng mga lider ng G20. Ipinalalagay niyang sa harap ng hamon ng COVID-19 na walang katulad sa kasaysayan, ito ay unang mahalagang hakbang ng aksyong pandaigdig laban sa pandemic.
Tinukoy ni Ryder na ngayon ang panahon para sa pagbubuklud-buklod ng buong mundo. Lalung lalo na, dapat bigyang-pansin ang pinakamahinang sektor sa lipunan at mga bagong sibol at umuunlad na bansa.
Salin: Vera