Mula ngayong araw, Marso 29, 2020, liban sa Wuhan Tianhe International Airport, napanumbalik na ang domestic flight sa iba pang mga paliparan sa probinsyang Hubei ng Tsina. Ganap na 12:06 ng umaga, Marso 29, lulan ang 64 na pasahero, lumisan ng Yichang Sanxia Airport, Hubei ang eroplanong pampasahero na FU6779 ng Fuzhou Airlines.
Dahil sa pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hindi pa napanumbalik ng iba't-ibang paliparan sa probinsyang Hubei ang paglipad sa ibang bansa, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Macao (MacaoSAR) at rehiyon ng Taiwan.
Salin: Lito