|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Lunes, Marso 30, 2020 ni Janet L. Yellen, Dating Tagapangulo ng Federal Reserve Board ng Estados Unidos, na dahil sa epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, mabilis na bumaba ang kabuhayang Amerikano, at posible itong mauwi sa "tuluy-tuloy na resesyon."
Nang lumahok sa isang online seminar ng kilalang think tank na Brookings Institution sa Washington, saad ni Yellen, may palatandaang posibleng bumaba ng di-kukulangin sa 20% ang output ng kabuhayan ng Amerika noong ika-2 kuwarter, kung annual rate ang pag-uusapan.
Bukod dito, ipinakikita ng datos na noong isang linggo hanggang Marso 21, tumaas sa 3.28 milyon ang bilang ng mga taong nag-aplay ng unemployment benefits sa kauna-unahang pagkakataon sa Amerika.
Ani Yellen, sa kasalukuyan, mahirap masabi kung gaano kalala ang darating na resesyon, at ang susi sa pagtugon nito ay depende sa panahon ng pagpapatuloy ng mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |