|
||||||||
|
||
Ang katatapos na biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lalawigang Zhejiang ay isang paglalakbay-suri sa espesyal na panahon.
Kasabay ng buong higpit na pagpapabuti ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, pinapabilis din ang pagpapanumblik ng trabaho't produksyon, masipag na ipinapatupad ang target ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan sa kasalukuyang taon, at isinasakatuparan ang komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan.
Ang "komprehensibo" sa usaping ito ay ang sabay na pagpapatupad ng mga indeks ng pag-unlad ng kabuhayan, at pangangalaga sa ekolohiya, na isa sa mga indeks na hindi maaaring balewalain.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na "hindi dapat isakripisyo ang kapaligirang ekolohikal dahil sa pagpapaunlad ng turismo, at hindi dapat gawin ang labis na pagdedebolop na komersyal."
"Ang pagsira sa ekolohiya ay hindi dapat maging kabayaran sa pag-unlad ng kabuhayan. Ang ekolohiya ay kabuhayan, at ang pangangalaga sa ekolohiya ay pagpapaunlad ng produktibong lakas," pahayag pa ni Pangulong Xi.
Ang mga ito ay mahalagang patnubay at konklusyong ginawa ni Xi sa panahon ng kanyang paglalakbay-suri sa Zhejiang.
Tinukoy sa ulat ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na hinahanap ng Tsina ang modernisasyong may maharmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.
Ang pagsiklab ng epidemiya ng COVID-19 ay nagbunga ng inspirasyon at lakas-panulak para sa pagpapasulong sa berdeng pag-unlad.
Tulad ng sabi ni Xi sa kanyang biyahe sa Zhejiang, "sabay-sabay na nangingibabaw ang panganib at pagkakataon. Pagkaraang panaigan ang mga panganib, sasalubungin ang pagkakataon."
Sa harap ng masidhing virus, mas malalimang napagtatanto ng sangkatauhan na dapat igiit ang ideya ng berdeng pag-unlad, palakasin ang pagtatatag ng sibilisasyong ekolohikal, at isakatuparan ang may-harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan.
Ayon sa kalkulasyon ng may-kaukulang organo, tinatayang aabot sa 12 trilyong yuan RMB ang halaga ng berdeng ekonomiya ng Tsina sa taong 2025, at ito ay katumbas sa halos 8% ng GDP ng bansa.
Samantala, hanggang sa taong 2035, may pag-asang lalampas sa 10% ang proporsyon ng berdeng ekonomiya sa GDP.
Tinaya rin ng maraming ekonomista na ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino sa susunod na hakbang ay dedepende, pangunahin na, sa paglago ng berdeng ekonomiya.
Ang kapaligirang ekolohikal ay pagagandahin, at pauunlarin ang kabuhayan.
Ito ay hindi lamang landas ng pag-unlad na buong tatag na tatahakin ng Tsina, kundi susi rin sa paggawa ng Tsina ng mas maraming ambag para sa daigdig.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |