Isinalaysay nitong Huwebes, Abril 2, 2020 ni Li Mingzhu, opisyal ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na aktibong isinasagawa ng panig Tsino ang gawaing preparatoryo ng pulong ng mga Ministro ng Kalusugan ng G20 hinggil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ani Li, umaasa ang panig Tsino na mapapasulong ng nasabing pulong ang pagpapalakas ng iba't ibang bansa ng pagbabahagi ng impormasyon, at koordinasyon sa patakaran at aksyon, at malalimang isasagawa ang pandaigdigang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pananaliksik at pagdedebelop ng gamot at bakuna.
Dagdag niya, sa pamamagitan ng virtual platform, ibinahagi na ng Tsina sa mahigit 100 bansa ang karanasan sa paglaban sa epidemiya.
Salin: Vera