Idaraos bukas, Abril 4 ang Pambansang Pagdadalamhati na gugunita sa mga martir na nag-alay ng kani-kanilang buhay sa pagpigil at pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, at mga nasawi sa sakit na ito.
Ayon sa Konseho ng Estado ng Tsina, ang mga watawat sa buong bansa ay naka half-mast, gayun din sa mga embahadang Tsino sa buong mundo.
Simula 10 ng umaga bukas, iaalay ang 3 minutong katahimikan para sa lahat ng yumao. At patutunugin naman ang mga air raid sirens at busina bilang pagpupugay sa mga martir ng COVID-19 pandemic.
Ang Abril 4 ay Qing Ming Festival na gumugunita sa lahat ng mga yumao sa Tsina.
Salin: Vera