Sa kanyang taunang liham sa mga shareholders nitong Lunes, Abril 6, 2020, sinabi ni Jamie Dimon, Chief Executive Officer (CEO) ng JPMorgan Chase & Co., na kahit sa pinakamagandang kondisyon, matataya pa ring mahaharap ang kabuhayang Amerikano sa "malubhang resesyon at presyur na pinansyal, na katulad ng krisis na pinansyal noong 2008."
Katulad din ang pananaw ni Janet L. Yellen, dating Tagapangulo ng Federal Reserve (Fed) ng Amerika.
Ayon sa ulat ng Consumer News and Business Channel (CNBC), ipinalalagay ni Yellen na posibleng di-kukulangin sa 30% ang magiging pagbaba ng GDP ng Amerika sa ika-2 kuwarter. Nakita aniya ang mas masamang pagtaya.
Nauna rito, ipinakikita ng datos ng Labor Department ng Amerika, 4.4% ang unemployment rate ng Amerika noong Marso. Pero sa tingin ni Yellen, mas masama ang aktuwal na kalagayan. Tinaya niyang umabot sa 12% o 13% ang datos na ito, at posible itong tumaas pa.
Salin: Vera