Ayon sa ulat ng ilang media, sapul nang pahigpitin ng Tsina ang mga hakbangin sa pangangasiwa at pagkontrol sa pagpasok ng mga dayuhan para pigilan ang paglala ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagreklamo ang ilang dayuhan sa Tsina na may diskriminasyon sa kanila.
Kaugnay nito, nitong Martes, Abril 7, 2020 ipinahayag ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang ilang mahalagang punto: sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayang dayuhan sa Tsina, at pinangangalagaan ang kanilang lehitimong karapatan at kapakanan, alinsunod sa batas; tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng porma ng pagtatangi at pagkiling; ang lahat ng mga mamamayang dayuhan sa Tsina ay dapat mahigpit na sumunod sa mga kaukulang batas na gaya ng "Batas ng Republika ng Bayan ng Tsina sa Pagpigil at Paggamot sa Nakahahawang Sakit," at mga kaukulang regulasyon ng iba't ibang lugar sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Vera