|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng Tsina na ang desisyon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika na pansamantalang ipagpaliban ang pagbibigay ng pondo para sa World Health Organization (WHO) ay makakaapekto sa regular na operasyon nito.
Hindi rin ito makakatulong sa pandaigdig na pagtutulungan sa hamon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa preskon nitong Miyerkules, Abril 8, kinilala ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang masusing papel ng WHO sa pagbibigay-tulong sa iba't ibang bansa laban sa pandemiya. Tulad ng dati, kakatigan ng Tsina ang WHO at nangungunang papel nito laban sa pandemiya ng COVID-19, diin ni Zhao.
Nauna rito, sinabi ni Trump na nabigo ang WHO, kaya pansamantalang ititigil ng kanyang bansa ang pagbabayad ng membership fee sa nasabing organisasyong pandaigdig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |