Bumaba ng 2.1% hanggang 5.1% ang kabuhayan sa rehiyong Sub-Saharan Africa sa kasalukuyang taon ayon sa ulat na isinapubliko nitong Huwebes, Abril 9, 2020 ng World Bank (WB). Dahil sa epekto ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, tinatayang Ito ang kauna-unahang pagsubsob ng kabuhayan sa rehiyon mula ng resesyon na naganap 25 taon na ang nakararaan.
Ayon pa sa WB, posible ring maganap ang krisis ng pagkain sa Aprika dahil sa pandemic. Tinataya ring bababa ng 2.6% hanggang 7% ang produksyong agrikultural sa naturang rehiyon sa taong 2020.
Salin: Lito