Nitong nakalipas na ilang araw, maraming kilos ng Amerika hinggil sa pandaigdigang kooperasyon laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic ay binatikos at kinondena ng komunidad ng daigdig.
Halimbawa, hinarang nito sa ika-3 bansa ang mga maskarang ipinadala sa Alemanya; tinangkang pigilan ang pagluluwas ng Minnesota Mining and Manufacturing Company (3M) ng mga maskara sa Kanada at mga bansang Latino-Amerikano; sinisi ang Tsina sa di-mabisang pagharap sa pandemiya, at paulit-ulit na ginawa ang mga may pagtanging pananalita; ang ipinataw naman na sangksyon ng Amerika sa Iran, Cuba at iba pang bansa ay pumigil sa mga nasabing bansa na makuha ang kinakailangang materyal na medikal, at marami pang iba.
Tinutukoy ng parami nang paraming tao si Pompeo bilang sanhi ng mabilis na pagbaba ng pamantayang moral ng diplomasya ng Amerika. Inilabas ng pahayagang Washington Post ang artikulong bumatikos sa kabiguan ni Pompeo sa pagharap sa pandemiya. Anang artikulo, dahil dito, si Pompeo ay nagsilbing isa sa mga pinakamasamang Kalihim ng Estado sa kasaysayan ng Amerika.
Si Pompeo ay parang "puppet master" sa likod ng lider na Amerikano. Sa pamamagitan ng mapanirang pananalita at kilos, binago niya ang desisyon ng White House sa pambansang seguridad. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, tumatahak ang grupong diplomatiko ng Amerika sa landas ng unilateralismo. Pero habang nakakakuha siya ng sariling kapakanang pulitikal, at nagtatangkang magsakatuparan ng mas malaking ambisyong pulitikal, ang diplomasyang Amerikano at reputasyon ng Amerikanong lider ay naging siyang kabayaran ng mga pananalita at kilos ni Pompeo.
Salin: Vera