Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sistemang mdikal ng Amerika, nahaharap sa malaking problema

(GMT+08:00) 2020-04-12 11:37:06       CRI

Kasabay ng pagsiklab ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang paglala ng problema sa sistemang medikal ng Amerika. Ang isyung ito ay temang pinag-uukulan ng mariing pansin ng malalaking media ng bansa. Kasunod ng walang humpay na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso at nasasawi sa epidemiya, isang kababalaghan ang natuklasan ng mga tao hinggil sa hindi agarang pagsusuri at paggamot sa napakaraming pasyente, at pagsibak sa trabaho ng maraming manggagawa sa mga ospital.

Estadistika ng American Altarum Institute tungkol sa unemployment rate ng mga tauhang medikal ng Amerika

Ayon sa Vox, kilalang news at opinon website ng Amerika, isinapubliko noong Abril 4, 2020 ng Altarum Institute, isang nonprofit research at consulting organization ng Amerika ang isang imbestigasyon; at ayon dito, halos 43,000 tauhang medikal sa buong Amerika ang sinibak sa trabaho sapul nang sumiklab ang COVID-19. Ngunit ayon sa mga naunang datos, ito, di-umano ang bagong unemployment rate record ng mga tauhang medikal ng bansang ito nitong halos 30 taong nakalipas.

Sa palagay ng "New York Times," ang nasabing napakapambihirang pangyayari ay may malaking kaugnayan sa pagkakasadlak ng mga ospital sa krisis na pinansyal. Kasunod ng patuloy na paglala ng pandemiya, ipinag-utos ng mahigit 10 estado ng Amerika sa kanilang mga ospital na itigil ang mga non-emergency surgical operation para makatipid sa mga kagamitang medikal, at mailagay ang mga ito sa paggamot sa mga kasong may kaugnayan sa pandemiya. Dahil dito, napakalaking bumaba ang kita ng mga ospital. Upang mapaliit ang gastos, walang ibang pagpipilian ang mga ospital kundi sibakin ang ilan sa kanilang manggagawa. Dulot nito, napakaraming tauhang medikal ang nabawasan ang suweldo, nawalan ng trabaho, o napilitang magbakasyon. Ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na kung magpapatuloy ang situwasyong ito, posibleng magsara ang ilang daang ospital sa Amerika.

Habang nawawalan ng trabaho ang napakaraming manggagawang medikal, kinakaharap naman ng mga lugar na grabeng apektado ng pandemiya na gaya ng New York, ang kakulangan sa mga tauhang medikal. Bilang tugon, makaraang makalap ng New York ang mga retiradong doktor, nars at mga nagtapos sa mga paaralang medikal, sinimulan na rin nitong maghanap ng iba pang manggagawang medikal mula sa buong bansa. Pero, ang malaking problema ay ang suweldo, at tila hindi pa rin natutugunan ng mga kaukulang departamento ng pamahalaang Amerikano ang isyung ito. Ayon sa isang nars na ayaw magpabanggit pangalan, handa siyang tumulong sa mga lugar na napakalubhang apektado ng pandemiya, ngunit hindi niya ito magagawa kung walang suweldo. Kailangan ko ang ikabubuhay, aniya pa.

Malaki rin ang epekto ng pandemiya sa mga maliit na ospital ng Amerika. Bago sumiklab ang pandemiya, halos 25% ng mga suburban hospital ng Amerika ang naharap sa pagkabangkarote.

Samantala, bilang bahagi ng Stimulus Bill na nagkakahalaga ng 2 trilyong dolyares, inilaan ng Kongresong Amerikano ang 100 bilyong dolyares sa mga ospital ng bansa. Ipinanawagan din ng mga democrat, na ipagpatuloy sa susunod na Stimulus Bill, ang paglalaan ng 100 bilyong dolyares sa mga ospital. Ngunit maliwanag na hindi sapat ang mga ito.

Nakatutok ang publikong Amerikano sa mga susunod na hakbang ng kanilang pamahalaan. Kasabay ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso at nasasawi sa pandemiya, malaki ang posibilidad na maharap ang sistemang medikal ng Amerika sa gabundok na hamon.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>