Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tatlong panlilinlang ng Amerika tungkol sa COVID-19, bistado na!

(GMT+08:00) 2020-04-12 11:55:19       CRI

Ang pagkakaisa ng buong daigdig ay kailangang-kailangan sa pakikipagdigma ng sangkatauhan laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Ito ay isang katotohanang hindii maaaring pasinungalingan ng sinuman. Ngunit, sa kabila ng mga pagpupunyagi ng karamihan sa mga bansa ng daigdig, abalang ginagamit ng ilang politikong Amerikano ang pandemiya upang siraan ang Tsina. Ito ay para maisulong ang kanilang mga personal na adiyendang pulitikal.

Pagsasapulitika ng epidemiya, pagbabaling ng sisi sa iba, pagpapaganda ng sariling imahe: ang mga ito ang tatlo nilang "golden rule" sa paggamit sa COVID-19 para sa sariling kapakanan. At siyempre, kasama rin sa adiyendang ito ang serbisyo ng ilang media ng Amerika.

Pagsasapulitika ng epidemiya

Sa kabila ng babala ng mga siyentista, binalewala ni Pangulong Donald Trump ang epekto ng pandemiya ng COVID-19. Ipinahayag pa niyang ang pagbibigay ng lubos na pansin sa coronavirus ay isa lamang "pandaraya" ng Democratic Party.

Ipinahayag ni Trump na walang sinuman ang nasawi sa Amerika dahil sa COVID-19. Habang pinupuna niya ang Democratic Party sa di-umano ay pagsasapulitika sa epidemiya, ginagamit niya ito sa pag-atake sa kanyang mga kaaway.

Agaran namang ipinahayag ng mga media na sumusuporta kay Trump ang kanilang pagkatig. Nilinlang nila ang publiko sa pagsasabing hindi kasing-panganib ng seasonal influenza ang coronavirus. Pagkatapos nito, ipinahayag ni Trump, na layon di-umano ng paglikha ng takot sa virus ang pagsira sa kabuhayan ng Amerika at paghadlang sa muli niyang pagwawagi sa pambansang halalan.

Pagbabaling ng sisi sa iba

Kasunod ng paglala ng pandemiya, tinatangka ng administrasyon ni Trump na pagtakpan ang sariling kamalian sa kawalan ng aksyon at pagka-inutil.

Bagama't patuloy na hinahanap ng mga eksperto ng buong daigdig ang pinagmulan ng virus, paulit-ulit na ini-u-ugnay nina Trump at Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang coronavirus sa Tsina.

Ang pakikibaka ng Tsina laban sa pandemiya ay unibersal na kinikilala ng mga organisasyong pandaigdig at maraming bansa sa mundo. Ang isinasagawa nitong mahigpit na kuwarentina ay siyang susi sa pagputol sa pagkalat ng virus. Bukod dito, ang natamong karanasan ng Tsina sa usaping ito ay nagkakaloob ng patnubay para sa mga pamahalaan ng iba't-ibang bansa.

Ngunit, bulag ang Amerika sa lahat ng ito. Sa halip, walang--tigil na ibinabaling ng Amerika sa Tsina ang sisi para ikubli ang sariling responsibilidad at kamalian.

Pagpapaganda ng sariling imahe

Kasunod ng pagkalat ng coronavirus sa buong mundo, sinimulang tawagin ng Amerika ang sarili bilang "greatest humanitarian."

Ayon sa isang mensaheng nakuha ng American news website na "Daily Beast" mula sa Kagawaran ng Estado ng Amerika, hinihimok ng White House ang mga opisyal nito na tawagin ang pakikibaka ng bansa laban sa pandemiya bilang "greatest humanitarian."

Ipinahayag ni Pompeo na abalang-abala pa ring ginagawa ng Kagawaran ng Estado ang maraming bagay para tasahin ang kalagayan sa loob at labas ng Tsina para tulungan ang mga bansang apektado ng epidemiya.

Ipinahayag din ni Trump na napakalaking tulong ang ipinagkaloob ng Amerika sa Tsina.

Ngunit nilinaw ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang katotohanan tungkol dito. Sinabi niya na hanggang sa ngayon, walang natanggap na tulong at pondo ang Tsina mula sa pamahalaang Amerikano.

Tinatangka ng ilang politiko at media ng Amerika na gumawa ng sariling istorya, at linlangin ang daigdig upang maikubli ang mga katotohanan at pagpupunyagi ng Tsina kaugnay ng pandemiya ng COVID-19. Ito ay isang tunay na karima-rimarim na gawain!

Sa harap ng pandemiyang ito, kailangang-kailangan ang pagkakaisa at magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang bansa para mapagtagumpayan ang hamon. At ang tangkang panlilinlang ng Amerika sa daigidig ay hindi naaayon sa layuning ito.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>