Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2 Inactivated na uri ng bakuna, aprubado ng Tsina para Phase 1 Clinical Trial: naunang Adrenovirus Vector na bakuna, nasa Phase 2 Clinical Trial na

(GMT+08:00) 2020-04-15 14:11:19       CRI

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/567700013853272/

Tatlo nang bakuna ang aprubado ng Tsina na sumasailalim ngayon sa mga clinical trial.

Isa ay ang nauna na nating sinabi noong nakaraang episode na Ad5-nCoV, na nasa Phase 2 Clinical Trial at ang dalawang iba pa ay Inactivated na uri ng bakuna, na pumasok na ngayon sa Phase 1 Clinical Trial.

Ayon kay Wu Yuanbin ng Ministry of Science and Technology ng Tsina, ang Ad5-nCov ay ang unang adenovirus vector vaccine sa buong mundo na nasa Phase 2 Clinical Trial.

Ang adrenovirus vector vaccine, gaya ng Ad5-nCov ay gumagamit ng chemically weakened virus, para maihatid ang mga bahagi ng pathogen sa katawan ng tao, at ito ay bagong uri ng bakuna, na maaaring i-mass produce, ligtas sa pangkalahatan, at makakagawa ng malakas na immune response.

Pero, ito ay mahirap mai-debelop.

Ang Ad5-nCoV, ay magkasamang idenebelop ng CanSino Biologics Inc. at Institute of Biotechnology ng Academy of Military Medical Sciences.

Sa kabilang banda, ang mga inactivated vaccine naman ay gumagamit ng subok nang teknolohiya at maaaring agad matanggap ng maraming bansa sa mudo dahil sa mataas nitong bisa at kaligtasan.

Ang isa sa mga bagong aprubang inactivated vaccine ay gawa ng Wuhan Institute of Biological Products Co at Wuhan Institute of Virology of the Chinese Academy of Sciences, at ang isa pa ay ay gawa naman ng Sinovac Research and Development Co Ltd.

Ang inactivated vaccine ay gumagamit ng inaktibo o patay na bersyon ng virus para magdulot ng immune response.

Ito ay ligtas dahil ang patay o inaktibong virus ay hindi makakapagdulot ng sakit.

Ito ay kadalasang gingamit para labanan ang mga sakit na gaya ng Hepatitis A, influenza, rabies at polio.

Bukod sa tatlong nabanggit, sinabi ni Wu, na mayroon pang mga bakunang idinidebelop ang Tsina na kasalukuyang nasa animal testing phase, at kabilang dito ang live-attenuated vaccine, recombinant protein vaccine at nucleic acid vaccine.

Sinabi pa ni Wu na ang mga ito ay inaasahang papasok sa clinical trial ngayong Abril at Mayo.

Ang mga ito ay ang bunga ng pagpapalakas ng siyentipikong pananaliksik ng Tsina sa panahon ng pandemiya.

Samantala, sinabi naman ni Sun Yanrong, Deputy Director ng China National Center for Biotechnology Development, na inilunsad na ng Tsina ang 27 research project, kasama ang 152 institusyon upang mai-debelop ang mga gamot kontra COVID-19.

Kabilang dito ang Stem Cell Therapy na nagpapakita ng magandang resulta sa mga pasyenteng nasa grabeng kalagayan; Convalecent Plasma Transfusion, na nagamit na sa mahigit 700 pasyente at nagpakita ng "very good therapeutic na resulta," at marami pang iba.

Sa isang preskon kamakailan, sinabi ni Zheng Zhongwei, Direktor ng Development Center for Medical Science and Technology ng National Health Commission ng Tsina, na mayroong 8 institusyon sa Tsina ang gumagawa ng bakuna sa 5 teknikal na paraan, at ang mga ito ay: inactivated vaccine; recombinant subunit vaccine; adenoviral vector vaccine; live attenuated vaccine; at nucleic acid-based vaccine.

Ipinagdiinan niyang lahat ng pananaliksik hinggil dito ay naaayon sa batas, at istandard na kagawian.

"Ang layon natin ay makapagdebelop ng bakuna laban sa COVID-19, sa lalong madaling panahon, base sa prinsipyo ng kaligtasan at epektibidad," dagdag ni Zheng.

SOURCE:
https://enapp.chinadaily.com.cn/a/202004/15/AP5e964267a3100bb08af07ec8.html
https://enapp.chinadaily.com.cn/a/202004/11/AP5e910beea3100bb08af07832.html
http://covid-19.chinadaily.com.cn/a/202003/23/WS5e77f24aa31012821728112d.html

Ulat: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>