Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), hanggang alas siyete sa umaga, Abril 16, Beijing Time/Manila Time, pumalo sa 1,918,138 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig, maliban sa Tsina.
Samantala, umabot naman sa 123,126 ang bilang ng mga sinawing-palad. Sa pinakaapektadong Europa, umabot sa 977,596 ang kabuuang kumpirmadong kaso at 84,607 naman ang namayapa.
Ayon sa datos ng Johns Hopkins University, hanggang alas 4:44 ng hapon, Abril 15, American Eastern Time, 632,878 ang kumpirmadong kaso sa Amerika at 27,850 ang pumanaw.
Salin: Jade
Pulido: Rhio