
Si Richard Horton, Editor-in-Chief ng "The Lancet"
Nitong Miyerkules, Abril 15 (local time), 2020, ipinahayag sa social media ni Richard Horton, Editor-in-Chief ng "The Lancet," kilalang magasing medikal sa buong daigdig, na ang kapasiyahan ng pamahalaang Amerikano na suspendihin ang pagkakaloob ng pondo sa World Health Organization (WHO) ay "maliwanag na krimen sa buong sangkatauhan." Nanawagan siya sa bawat siyentista, tauhang medikal, at karaniwang mamamayan na magkakasamang labanan at tutulan ang naturang kilos na tumataliwas sa pagkakaisa ng buong mundo.
Sa pamamagitan ng social media, sinabi ni Horton kay Anthony Fauci, Puno ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID), na "pawang kasinungalingan ang mga pagbatikos ni Pangulong Donald Trump ng Amerika kontra sa WHO." Aniya pa "paki-wasto ang gawain ng iyong Presidente. Dapat siyang tumayo sa panig ng katotohanan."
Salin: Lito