|
||||||||
|
||
Nagpulong sa pamamagitan ng Internet ang Anti-epidemic Medical Expert Team ng Tsina at consultant group ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ng Pilipinas para talakayin ang mga isyung gaya ng hospital sense protection, paglunas sa mga buntis at istandard ng pagpapagaling, at paghawak sa mga labi ng namatay dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Bukod dito, sinagot din ng mga eksperto ng Tsina ang mga tanong ng mga may-kinalamang personaheng Pilipino.
Dumalo sa pulong si Dr. Kenneth Ronquillo, Assistant Secretary ng DOH.
Umaasa aniya siyang maisasakatuparan ang mga mungkahi ng Chinese expert para mas maayos at mabisang mapuksa ang epidemiya ng COVID-19 sa bansa.
Ulat: Ernest/Sissi
Pulido: Rhio/Jade
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |