|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ng lider na Amerikano ang pansamantalang pagsusupendi ng pagkakaloob ng pondo sa World Health Organization (WHO) na malawakang itinuturing ng komunidad ng daigdig bilang kilos ng pagbabaling ng sisi sa iba para ilipat ang pansin ng mga mamamayan nito. Bagama't inisa-isa sa preskon ng lider na Amerikano ang nagawang " kasalanan" ng WHO, sa harap ng katotohanan, walang anumang batayan ang mga ito.
Una, binatikos ng panig Amerikano ang WHO sa "dahil sa pagpapabaya sa tungkulin at pagtatago ng impormasyon ng pagkalat ng corona virus." Sa katunayan, sinimulang regular na magbigay-alam mula noong Enero 3 ang panig Tsino sa WHO tungkol sa impormasyon ng epidemiya. Pagkatapos ng dalawang araw, isinapubliko ng WHO sa buong daigdig ang babala tungkol sa bagong tuklas na pneumonia case na di-matukoy ang sanhi. At mula noong Enero 7, sa pamamagitan ng telephone meeting, regular nitong ipinagbigay-alam ang kalagayang epidemiko sa mga opisyal ng pampublikong kalusugan ng iba't-ibang bansang kinabibilangan ng Amerika. Bukod dito, sa proseso ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, madalas na idinaos ng WHO ang mga preskon para agarang ipagbigay-alam ang kalagayang epidemiko at iharap ang mariing mungkahi.
Ikalawa, inatake ng panig Amerikano ang WHO na umano'y "hindi nito obdiyektibong tinatasa ang kasalukuyang kalagayang epidemiko ng Tsina at ipinagtatanggol ang panig Tsino." Sa katotohanan, noong Pebrero, ipinadala ng WHO sa Tsina ang isang grupo ng mga ekspertong dayuhan na kinabibilangan ng mga ekspertong Amerikano para maglakbay-suri sa kalagayang epidemiko ng bansang ito. Sa inilabas nitong komprehensibong ulat, tiniyak ng grupo na isinagawa ng Tsina ang pinakamatapat, pinakapleksible, at pinakapositibong hakbangin ng pagpigil at pagkontrol, bagay na nagkakaloob ng mahalagang karanasan sa pagharap ng buong mundo sa COVID-19. Pantay at obdiyektibo ang nasabing konklusyong nagmula sa paglalakbay-suri ng mga eksperto sa harapan ng laban sa epidemya, at ipinakikita nito ang komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Ikatlo, pinuna ng panig Amerikano ang WHO na naging isang " kapasiyahang nagdulot ng kapahamakan ang pagtutol sa travel ban" nang nagsisimulang kumalat ang epidemiya. Sa katotohanan, bilang pinakamakapangyarihan at pinakapropesyonal na pandaigdigang organisasyon sa larangan ng kaligtasan ng pampublikong kalusugan sa buong daigdig, ang mga kaukulang mungkahi ng WHO ay nagawa batay sa "International Health Regulation (IHR)." Samantala, ang WHO Emergency Committee, na nakakapagpatingkad ng mahalagang papel sa pagpapalabas ng kaukulang mungkahi, ay binubuo ng mga nagsasariling eksperto ng maraming bansa, na kinabibilangan ng mga ekspertong Amerikano. Ang pagsasabi ng pamahalaang Amerikano ng kung anu-ano sa nasabing isyu ay hindi magtatakip sa sariling mga kamalian sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Ang pag-atake, pagdungis, at pagtigil ng panig Amerikano sa pagkakaloob ng pondo sa WHO ay tumataliwas sa pangakong pandaigdig nito. Ito ay isang pinaka-di-responsable at pinaka-imoral na aksyon.
Sa kasalukuyan, lumampas na sa 2.15 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig, at napakahigpit ng situwasyon sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Dapat agarang itigil ng panig Amerikano ang pagsasapulitika ng epidemiya at bumalik sa tumpak na landas ng pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |