|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pansamantalang pagtigil ng pagkakaloob ng pondo ng Amerika sa World Health Organization (WHO), ipinahayag nitong Miyerkules, Abril 15, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO ang matinding kalungkutan.
Saad niya, kasabay ng pagpuksa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagpupunyagi rin ang WHO para resolbahin ang marami pang sakit na gaya ng measles, malaria, Ebola, AIDS at cancer.
Aniya, nakapokus ang kanyang organisasyon sa usapin ng kalusugang pampubliko, naglilingkod sa buong sangkatauhan, at pantay-pantay na pinakikitunguhan ang lahat ng mga bansa, kahit ano man ang populasyon o kondisyong pangkabuhayan.
Diin ni Ghebreyesus, ngayon ay panahon ng pagbubuklud-buklod para harapin ang banta ng COVID-19 pandemic.
Ang alitan aniya ng sangkatauhan ay magsisilbing pagkakataon para sa pagkalat ng virus.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |