Lubos na pinapurihan kamakailan ni Geoffrey Onyeama, Ministrong Panlabas ng Nigeria, ang natamong bunga ng panig Tsino sa pakikibaka laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Hinahangaan din niya ang mga isinasagawang hakbangin ng panig Tsino para maayos na resolbahin ang kahirapan ng mga mamamayang Aprikano sa probinsyang Guangdong ng Tsina.
Kaugnay nito, sinabi sa Beijing nitong Biyernes, Abril 17, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananalig ang panig Tsino na pagkaraan ng pagtutulungang Sino-Aprikano sa pakikibaka laban sa epidemiya, magiging mas matibay ang pagkakaibigan ng dalawang panig.
Dagdag pa ni Zhao, kasalukuyang kumakalat pa rin ang epidemiya sa Aprika, at patuloy na bibigyan ng mataas na pansin ng panig Tsino ang bagay na ito.
Salin: Lito